kahit na kubo 23
kahit na kubo ang aking tahanan
Dito sa lupa'y may kasiyahan
Pagkat sa langit ay may nag hihintay
na kahariang gintong lantay
KORO:
akoy may bahay na di masisira
Doon sa langit na walang hanggan
wala ng hapis at laging sagana
sa piling ng Dios na dakila
Huwag maawa sa kalagayan ko
Pagka't sa langit ang aming tungo
Pansamantalang naglalakbay dito
Hanggang humantong sa palasyo
Kahit sa buhay na dito'y mahirap
ang kailangan ay dusa't saklap
walang sariling tahanang tiyak
Doon sa langit din ang lahat.